Naaalala mo pa ba ang larong ito? Nasubukan mo na bang maglaro nito? Naranasan mo na ba ang hirap ng pagiging taya sa larong ito? O kaya naman ay naranasan mo ng mag kulang ang dala mong tsinelas? Kung OO ang sagot mo sa lahat ng tanong na ito, ikaw ay isang certified pinoy.
Mga Gamit:
-Lata
-Tsinelas
Ang Layunin:
Maitumba ang lata at makuha ang mga inihagis na tsinelas bago pa maitayo ang naitumbang lata.
Paano Laruin?
Depende na sainyo kung gaano kalayo. Pumila at isa-isang tumira gamit ang tsinelas upang maitumba ang lata. Pagtinamaan ang lata dapat ay makuha ng mga tumira ang kanilang mga tsinelas bago pa maitayo ng taya ang lata. Pag naitayo na ang lata, kung sinoman ang maabutan ng taya na kumukuha pa ng tsinelas ay ang magiging taya.
Mga Patarakan:
1. Hindi pwedeng tayain ng taya ang mga manlalaro na hindi hawak ang kanilang tsinelas.
2. Hindi pwedeng bumalik sa manuhan ang manlalaro na hindi dala ang kaniyang tsinelas.
3. Hindi pwedeng mangtaya ang taya sa manuhan or base.
Friday, September 27, 2013
Subscribe to:
Posts (Atom)